BILLBOARD MOMENTS. hihi
Once akong napalagay dun sa tarpaulin na malaki sa school namin. Haha! Hindi ko inaasahan mapapapunta ako jan. Kasi natatandaan ko nun, nagpreprepare kami for a contest, ayos ayos ganun tapos biglang dumating yung principal at nagmamadali. Kailangan daw niya ng isang model blah blah. Tapos ako hindi ko na lang pinapansin kasi ayoko ng mga ganyan. Shy type kaya ako. Tapos nagrereto na sila. Tas ako parang wala lang sakin tapos bigla akong tinuro nung principal. Hayyyyyyy. Tapos and dami ko pang reklamo sa isip ko syempre. Tapos tinawagan nila mommy ko para daw hindi sila makulong blah. Akala nga ng nanay ko may ginawa akong hindi kaaya-aya. hihi. Then yun, ang daming shots nun siguro mga 50+ tapos ang daming pose. Tapos ang dami pang taong nakatingin. Eh ayoko pa naman nung mga ganon. So ayun. haha
Natatawa ako sa mga jokes ni Nicole Lyala.
Lagi kasing Love Radio yung pinapakinggan namin sa kotse.
Tapos napag-usapan nila Nicole and Kris ang tungkol dun sa mga excuses pag umaabsent.
Nicole: Meron akong kaibigan, nakakaloka talaga yung excuse niya. Ang sabi niya sa teacher niya: “Dear teacher, please excuse me for i have suffered under pontius pilate.
Kami: HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHA x 100000
Nicole: Isa pa: ”Dear teacher, my son suffered from *insert illness here*, please execute him. Thank you!”
Kami: HAHAHAHAHHAHAHAHA x999999
hahaha. Kaya favorite ko si Love radio e. :D
Flores de Mayo 2012
Sobrang nakakapagod yung araw na to. Ang haba haba kasi nung nilakad, mga ilang kilometro din yun. Masaya naman pero mejo nabored ako kasi hindi kami masyado naguusap nung pinsan ko. Ang layo ng nilakad namin tapos ang sakit sa likod. Ako lang yung naka Barong Tagalog na black dun. With beads beads pa yung barong ko ang arte arte kasi nila. Haha! Pinagtitinginan tuloy nila. Halos yung mga kasali jan mga pinsan ko din. Hahaha! That’s my 3rd time na pumarada ulit ako sa Flores. :)
5/4/12
Usually naman natutulog na ako ng 4 or 5 AM. Mga 2AM ko na nalaman na enrollment nga pala bukas e hindi pa ako inaantok kaya hindi pa ako natulog. Natulog na ako ng mga 3:30AM tapos hindi pa din ako makatulog :)) Nakahiga lang ako pero gising hanggang 5:30 akong ganun. Tapos gumising na sila tapos naligo na ako kumain umalis ng 7:30AM. Wala akong tulog niyan. Tapos hindi pa din ako makatulog sa kotse kasi ang sarap pakinggan ni Nicole Hyala at Kris Tsuper sa Love Radio. Wagas na wagas yung tawa ko. Tapos after ko magenroll nagpagupit ako sa Edwin Samoth. Tapos natulog na ako sa kotse nagising na lang ako nasa bahay na. Tapos kumain tapos natulog mga 2PM yun at nagising ako ng 6PM. Tapos nanuod na din ako ng American Idol at yun nga si Skylar yung natanggal. Isa pa naman siya sa mga gusto ko. Tapos kumain na ako ng Caesar salad na hindi ko nagustuhan yung lasa caesar. Yun lang :))
First Day.
Noong first day ko pumasok ng school, mga 4 years old ata ako noon, sobrang natrauma talaga ako. Hinatid lang ako ng service ko at pagdating ko sa school nakita ko yung mga classmates ko puro kasama yung mga nanay nila. Konti lang kaming wala. Yung katabi ko may kasamang nanay. Ang topic namin nun yung straight lines and curve lines. Pinaggawa kami nung straight lines, slant lines at curve lines sa papel paulit-ulit. Tapos yung katabi ko tapos na eh masyadong mayabang halos dila-dilaan ako kasi tapos na. Edi ginuririhan ko yung papel as in hanggang mapunit eh nandoon sa tabi niya yung nanay niya. Sabi ng nanay niya:
Classmate: *umiiyak*
Nanay: Hayaan mo, ulitin mo na lang. Ilublublob natin yan sa kanal natin.
Waaaa Shet natakot talaga ako. Unforgettable moment of my life! Ang pinagaalala ko kasi ang alam kong kanal noon eh yung kanal ng lola ko yung as in isang paa lang yung kasya. Kaya nag-isip ako paano kaya ako magkakasya sa kanal kasi naniwala talaga ako kasi hindi ko naman kilala yung tao. Hahaha!
Noong umulan ng KASIPAGAN, nakapayong ako.
Tinatamad talaga ako magaral kahit alam kong last day na bukas. Konti tiyaga pa!


